KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

e•le•men•tár•ya

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Salita
eleménto+aria
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Nauukol sa mga batayang elemento ng isang paksa.

2. KEMISTRI Nauukol sa substance na hindi na maaaring hatiin pa sa lalong payak na mga bahagi.

e•le•men•tár•ya

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
elementary+a
Pinagmulang Wika
Ingles
Kahulugan

EDUKASYON Tingnan ang mabábang paaralán
Nakapagtapos na ang anak ko ng elementárya.

e•le•men•tár•ya

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

EDUKASYON Pangmababang baitang ng pag-aaral.
Hindi angkop sa mág-aarál na elementárya ang librong ito.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Mulang mga babaylán hanggang mga bayani ng kasalukuyang panahon, ipinagdiriwang natin ang mga ambag ng kababaihan sa ating kasaysayan at lipunan. Maligayang Buwan ng Kababaihan sa lahat!