KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

e•hém•plo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
ejemplo
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Tingnan ang halimbawà
Nagbigay ang maestra namin ng iba't ibang ehémplo para makabesa ang leksiyon.

2. Sinumang ipinagpapalagay na dapat tularan o magsilbing modelo.
Maging mabuting ehémplo ka naman para sa mga kapatid mo.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?