KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

du•lóg

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagharap sa sinumang may kapangyarihan o kasanayan tungkol sa isang usapin upang humingi ng tulong.

2. Paglapit upang ganapin ang isang layon (gaya ng pag-upô sa hapagkainan, pagluhod sa altar, atbp.).

3. Paghain ng pagkain.

4. Paglagda sa pormal na kasunduan ng kasal sa harap ng pari o ng pinunong-bayan.

Paglalapi
  • • pagdulóg: Pangngalan
  • • dumulóg, idulóg, dulugán: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?