KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

disco

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Bigkas
dís•ko
Pinagmulang Wika
Ingles
Kahulugan

1. Estilo ng tugtúgin na pangunahing para sa pagsasayaw at nagtataglay ng mabilis na kompás.
Mahilig magsayaw ng disco ang nanay ko noong kabataan.

2. Pook para sa pagsasayaw nitó o ng ibang katulad na musika.
Nagpupunta kami sa disco tuwing may pera.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?