KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

di•sén•yo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
diseño
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Anumang dagdag sa anyo ng isang bagay na nagsisilbing palamuti.

2. Larawang guhit ng anuman na ginagamit bílang tularan ng bagay na gagawin o na siyang nagpapakita kung paano ito gumagana.
DIBÚHO, LAKDÁ

3. ARKITEKTURA Plano o balangkas ng anumang estruktura.

Paglalapi
  • • disényuhán, idisényo, magdisényo: Pandiwa
  • • nakadisényo: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?