KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

de•pó•si•tó

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. KOMERSIYO Perang inilagak sa bangko.
DEPÓSIT

2. Anumang ibinigay bílang panagot o bahagi ng kabuoang báyad.
PAÚNANG BÁYAD

3. Dákong pinagtataguan o pinag-iimbakan ng anuman.

4. Likás na pagkakatipon ng buhangin, bató, at mga mineral.

5. Mga bagay na naipon sa paraang nakatambak.
DEPÓSIT

Paglalapi
  • • depósituhán, idepósitó, ipandepósitó, magdepósitó: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?