KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

dá•ti

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Varyant
rá•ti
Kahulugan

Sa nagdaang panahon.
Dáti nang ganiyan siya kasipag, at lalo pang nagsisipag ngayong may pamilya na.

dá•ti

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Varyant
rá•ti
Kahulugan

1. Nauuna kaysa ang sa kasalukuyan.
Mas madalíng puntahan ang dáti nating tanggapan.

2. Luma o matagal na.
Suot niya ang dáti nating uniporme.

Paglalapi
  • • mamaráti: Pandiwa
  • • datihán: Pang-uri
  • • dáti-ráti, paráti : Pang-abay

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?