KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

da•pò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paglapag sa isang rabáw ng anumang nilaláng na may pakpak (gaya ng ibon at mga insekto).

2. Pakutyang tawag sa táong hindi likás na kabílang sa angkan (gaya ng manugang na hindi makasundo).

3. Biglang pagdating o pagkakaroon (gaya ng sa karamdaman).

Paglalapi
  • • dapúan, dumapò, padapúin: Pandiwa
Idyoma
  • isang dapò
    ➞ Manugang na laláking naninirahan sa biyenan.
  • dapuáng-íbon
    ➞ Hindi pa napuputol na kahoy ngunit ang tabla nitó ay ipinangangako nang ipagbibili o ibibigay.

da•pò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

BOTANIKA Alinman sa mga uri ng halamang tumutubò sa kapuwa halaman o punongkahoy (gaya ng orkidyas).

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?