KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

da•ô

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagkapâ sa isda o hipon sa ilog o sa mga batuhan.

Paglalapi
  • • dauhín, dumaô: Pandiwa

da•ó

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

BOTANIKA Punongkahoy (Dracontomelon dao) na kumpol at salít-salít ang dahon, maliit ang putíng bulaklak, at bilóg ang dilaw na bungang maasim, at nagagawang tabla ang punò na gámit sa paggawa ng muwebles.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?