KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

da•mít

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Materyal na sadyang inayos upang isuot sa katawan ng tao bílang pantakip.
BARÒ, BISTÍ, GAYÁK, KASUÓTAN, SÁPLOT

Paglalapi
  • • pananamít, paramít : Pangngalan
  • • damitán, damitín, damtán, magdamít, manamít: Pandiwa
Tambalan
  • • damít-pampaligòPangngalan
  • ➞ Kasuotang ginagamit sa pagligo.
  • • damít-pambáhayPangngalan
  • ➞ Payak na kasuotang ginagamit sa loob ng bahay at bakuran.
  • • damít-pantrabáhoPangngalan
  • ➞ Kasuotang ginagamit sa pagpasok sa tanggapan.
  • • damít-pangkasálPangngalan
  • ➞ Pormal na kasuotang ginagamit sa seremonya ng kasal.
  • • damít-pantúlogPangngalan
  • ➞ Kasuotang karaniwang maluwang, manipis, at malambot sa katawan na gámit sa pagtulog.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?