KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

dá•ma

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

ISPORTS Larong Pilipino na nakahahawig sa chess at may layuning maubos ang mga piyon ng kalaban.

Paglalapi
  • • damáhan: Pangngalan
  • • dumáma, magdáma: Pandiwa

dá•ma

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Babae na laging kasáma ng isang maharlika na nakalaang tumupad sa mga utos nitó.

2. Babaeng abay ng isang nahalal na reyna ng kagandahan, musa ng pagtitipon, atbp.

Paglalapi
  • • magdáma: Pandiwa

dá•ma de-nót•se

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
dama de noche
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

BOTANIKA Palumpong (Cestrum nocturnum) na may mahahabang sanga na karaniwang yumuyuko o lumalaylay at ang mga bulaklak ay maliliit, manilaw-nilaw na lungtian, at humahalimuyak sa gabí.

da•má

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagdanas, pagsalat, o pagkilála sa anuman sa pamamagitan ng pandamá.

Paglalapi
  • • pandamá: Pangngalan
  • • damhín, ipadamá, madamá: Pandiwa
  • • nadaramá: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?