KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

da•lá•wit

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Bakal o anumang ginagamit na panghalikwat.

da•lá•wit

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pang-ipit o pandiin upang mapamalaging matatag ang tapal ng bútas ng atip.

da•lá•wit

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tingnan ang dáwit

Paglalapi
  • • madaláwit, nadaláwit: Pangngalan

da•lá•wit

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

PANGINGISDA Tipak na kawáyang mahigit sa 1–3 dangkal ang habà na ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mga piraso ng banatan kung iniuumang ang baklad ng isda.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?