KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

da•á•nan

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
daán
Varyant
da•a•nán
Kahulugan

1. Pirmihang ruta ng mga sasakyán.
Ang kalsadang ito ang daánan ng mga trak.

2. Sa karera, takdang puwang para sa bawat kalahok.

3. Tiyak na espasyong laan sa paglalakad (gaya ng bangketa, pasilyo, atbp.).
Huwag harangan ang mga daánan upang makaiwas sa desgrasya.

da•á•nan

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Salitang-ugat
daán
Varyant
da•a•nán
Kahulugan

1. Gawing landas (ang anumang espasyo o rabáw).
'Wag mong daánan 'yong hardin, a.

2. Saglit na pumunta at lampasan din (ang isang pook).
Daánan lang natin 'yong bahay ni Lola.

3. Kunin (ang anumang bagay) sa isang tao.
Pag-uwi mo na daánan ang hinihinging halaman.

4. Dalhan ng anumang bagay (ang isang tao).
Búkas ng umaga, daánan mo kami ng isang súpot ng mangga.

5. Sunduin (ang isang tao) kung may pupuntahan.
Daánan mo na rin akó para magkasabay táyong pumunta.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?