KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

da•án

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
ra•án
Kahulugan

1. Anumang espasyong napagkikilusan upang makatúngo sa isang pook.
Dito sa kaliwa ang daán ko pauwi.
DÁLAN, SÉNDA, BAGTÁS

2. Saglit na pagpunta at paglampas sa isang pook.

3. Tingnan ang kalsáda
Bako-bako ang daán papunta sa bahay namin.

4. Tingnan ang rúta
Ito lang ba 'yong daán papunta sa bahay n'yo?

5. Bakás o anumang naiiwan sa pagdaan.

6. Tingnan ang sanhî
'Wag mo siyáng biruin at bakâ 'yan pa ang maging daán ng inyong hindi pagkakaunawaan.

Paglalapi
  • • daánan, pagdaán, pagpapadaán, pamaraán, paraán, pinágdaánan, sandaán: Pangngalan
  • • daánan, dumaán, idaán, madaánan, magdaán, magpadaán, makadaán, padaánin: Pandiwa
  • • nagdaán, nakaraán: Pang-uri
  • • makaraán, pagkaraán: Pang-abay
Idyoma
  • waláng daán
    ➞ Walang katwiran.
    Huwag ka nang mangatwiran pa at waláng daán para mapaniwala mo siyá.
  • may daán pa rin
    ➞ May iba pang paraan.
    Umasa ka na may daán pa ring naghihintay para mapaláya ka sa kulungan.
  • matiník na daán
    ➞ Masuliraning landas.
    Bago nakasal ang magsing-irog, dumaán muna sila sa matiník na daán.

da•án

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

MATEMATIKA Pamilang (100) na katumbas ng sampung sampu.

Paglalapi
  • • manaán: Pang-uri
Tambalan
  • • sampúngdaánPangngalan
  • ➞ Isang líbo.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?