KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

dú•lo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pinakamalayò at pinakahulíng bahagi ng anuman.
Umábot na kami sa dúlo ng daan.
SUKDÓL

2. Alinman sa magkabiláng dáko o katapusan ng isang bagay.
Itinali nila ang dúlo ng lubid sa patpat.

3. Tulís na bahagi ng isang bagay na pahaba o biluhaba.
Natusok ng karayom ang dúlo ng daliri niya.

Paglalapi
  • • duluhán, kadulúhan, kádulú-dulúhan: Pangngalan
  • • pandúlo: Pang-uri
Idyoma
  • punò’t dúlo
    ➞ Ang pinagmulan at nagiging bunga ng isang bagay, gawain, o pangyayari.
    Ayaw kong makialam sa usapan ninyo at bakâ akó pa ang maging punò’t dúlo ng away.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?