KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

dá•yo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Táong tagaibang pook o kayâ ay panauhin lámang sa pinuntahan na karaniwang hindi kilála ng mga nandoon.
Maraming dáyo sa inyong bayan noong pista.
BANYAGÀ, ESTRANGHÉRO, DAYÚHAN

2. Pagtúngo sa ibang pook nang may tanging layunin.

Paglalapi
  • • dayúhan, mandarayúhan, pagdáyo, pandarayúhan: Pangngalan
  • • dayúhin, dumáyo, mandayúhan: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?