KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

dá•pat

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Kahulugan

1. Kailangan.
Ang mga pangako ay dápat tuparin.

2. Mapilitan.
Dápat panagutan ang anumang ginawang mali.

Paglalapi
  • • karapatán, marápat: Pangngalan
  • • mangagindápat, mapagíndápat, marápat: Pandiwa
  • • karampátan, karápat-dápat, marápat: Pang-uri

dá•pat

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Tumpak, nauukol.
Iyan ang dápat na kilos sa pook na ito.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.