KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

dán•yos per•hu•wís•yos

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
daños perjuicio+s
Kahulugan

Tingnan ang báyad-pinsalà
Hihingi ka ba ng dányos perhuwísyos sa kompanya ng trak na nakabundol sa iyo?

dán•yos

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
daños
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Anumang hindi magandang epekto na natamo, karaniwang kung malubha.
Malaking dányos sa kabuhayan niya ang aksidente.
PINSALÀ

2. Tingnan ang báyad-pinsalà
Malaki ang hinihinging dányos ng mga Santos sa nakabundol sa anak.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?