KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bú•ti

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pag-ayon sa mga pamantayang moral.

2. Pagiging kasiya-siya dahil maganda o mainam.

3. Pagbalik ng maayos na kalusugan matapos magkaroon ng karamdaman.

4. Kalagayang mabuti o mahusay.

Paglalapi
  • • kabutíhan, pagbúti, pagpapabúti, pagpapakabúti: Pangngalan
  • • magmabúti, magpakabúti, mapabúti, mapagbúti, pabutíhin, pagbutíhin, pakabutíhin, pinagbúti: Pandiwa
  • • mabutí-butí, mabúti, napakabúti: Pang-uri
  • • mábutihán: Pang-abay

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Mulang mga babaylán hanggang mga bayani ng kasalukuyang panahon, ipinagdiriwang natin ang mga ambag ng kababaihan sa ating kasaysayan at lipunan. Maligayang Buwan ng Kababaihan sa lahat!