KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bú•ro

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
budu
Pinagmulang Wika
Malay
Kahulugan

1. Paraan ng pag-iimbak ng pagkain sa pamamagitan ng pagbababad sa asin na karaniwang ginagawa sa isda.

2. Tawag din sa produkto nitó.

3. Bungangkahoy na hilaw at maasim (tulad ng mangga, kamyas, atbp.) na ibinababad sa sukà at asin.

Paglalapi
  • • burúhin, magbúro: Pandiwa

bú•ro

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
burro
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

Tingnan ang asnó

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?