KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bung•kál

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paghukay o pagdurog sa lupa (lalo na sa pamamagitan ng asarol) upang ihanda ito sa pagtatanim.
Wasto ang bungkál mo sa lupa.

2. Paghalungkat sa lamán ng isang lalagyán.
KALKÁL

bung•kál

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Duróg at handa nang tanimán (kung sa lupa).
Bungkál na mga lupa ang nakita ko.

2. Nakaalis ang takip at nakuha na ang laman.
Bungkál na ang pamingganan nang dumating akó at walang natiráng ulam.

Paglalapi
  • • mambubungkál, pagbungkál: Pangngalan
  • • bungkalín, mabungkál, magbungkál: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?