KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bú•los

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Muling pagkuha o pagdudulot ng pagkain.

Paglalapi
  • • pabulúsan: Pandiwa

bu•lós

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Rolyo ng tela.

bu•lós

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Galaw ng hihip ng hangin o buhos ng tubig.

2. Pagbuga o pagbulwak ng tubig.

bú•los

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Kasangkapang tíla sibat na gámit sa paghúli ng hayop, may talì upang madalíng makuha ang tinudla, at ibinibinit sa pamamagitan ng kamay o ng pambinit.
SALAPÁNG

Paglalapi
  • • mambubúlos: Pangngalan

bu•lós

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tingnan ang pagtataé

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.