KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bú•hay

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kondisyon ng mga organikong bagay at nilaláng bago ang kamatayan.
Maiksi ang búhay ng tao.
KABUHÌ

2. Buong kasaysayan ng isang tao.
Nagsulat siya ng akda tungkol sa búhay ng kaniyang ina.

3. Panahong itinatagal ng anuman búhat sa pagsisimula nitó hanggang sa matapos.
Mahaba ba ang búhay ng mákináng iyan?

4. Kalagayan ng isang tao.
Kumusta ang búhay mo ngayon?

Paglalapi
  • • kabuháyan, pagbúhay, pagkabúhay, pamumuháy: Pangngalan
  • • buháyin, bumúhay, mabúhay, mamúhay: Pandiwa
  • • buháy, nabuháyan, pangkabuháyan: Pang-uri
Idyoma
  • búhay-alamáng
    ➞ Pagdaralita.
  • karugtóng ng búhay
    ➞ Asawa.
  • ágaw-búhay
    ➞ Naghihingalo.
  • búhay-prinsipé
    ➞ Nagtatamasa ng kasaganaan.
  • inágaw ang búhay
    ➞ Nailigtas sa tiyak na kamatayan.
  • patáy na buháy
    ➞ Nabubuhay nang wala nang silbi ang katawan.
  • mitsá ng búhay
    ➞ Bagay o pangyayari na posibleng maging sanhi ng kapahamakan o maagang kamatayan.
  • sumakabiláng-búhay
    ➞ Namatay.
  • kabiláng-búhay
    ➞ Pook na pinaniniwalaang tinutúngo ng mga namatay.

bu•háy

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. May búhay (kung sa mga organikong bagay at nilaláng).

2. Tingnan ang maunlád

3. Tingnan ang masiglá

4. Kasalukuyang umaandar (kung sa anumang aparato o makina).

5. Tingnan ang matingkád

Paglalapi
  • • laráwang-buháy: Pangngalan

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.