KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bug•bóg

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
bu•gá•bog
Kahulugan

1. Marahas na pagtama ng kamay (gaya ng suntok o hampas) sa anuman upang magdulot ng pisikal na sakít.
GULPÍ

2. Tawag din sa bahagi ng katawan na pinag-ukulan nitó kung namaga o nagkaroon ng pasâ.

3. Paglamog (gaya ng prutas o gulay).

bug•bóg

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Varyant
bu•gá•bog
Kahulugan

1. May mga pasâ, namamaga, at/o nangingitim (kung sa katawan ng tao).

2. Lamog (kung sa prutas).

Paglalapi
  • • bugbúgan, pagbugbóg, pagkabugbóg, pambubugbóg: Pangngalan
  • • binugbóg, bugbugín, mabugbóg, mambugbóg, nabugbóg: Pandiwa
  • • pambugbóg: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?