KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bud•hî

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
buddhi
Pinagmulang Wika
Sanskrit
Kahulugan

Pakiramdam na tíla tinig sa isip ng isang tao na nagsisilbing gabay sa pagkilála ng tama at mali.
Hindi ka ba inuusig ng iyong budhî dahil sa nagawa mo?
KALOÓBAN, KONSÉNSIYÁ, MORALIDÁD

Paglalapi
  • • pambudhî: Pang-uri
Idyoma
  • maitím ang budhî
    ➞ Napakasamâ; imoral.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?