KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bu•ô

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Walang kulang na bahagi o sangkap.
Buô ang suweldo kung ibigay niya sa kaniyang ina.
KOMPLÉTO

2. Hindi sirâ.
Buô pa ang kaniyang damit ay ipinamimigay na niya.

3. Ganap at walang pag-aalinlangan.
Buô ang aking paniniwalang siyá ay hindi gagawa ng masamâ.

4. Kimpal-kimpal ang anumang bagay (tulad ng pulbos at mga kauri nitó) kung nababasâ ng tubig.
SÓLIDÓ

Paglalapi
  • • kabuoán, pagbubuô, pagbuô: Pangngalan
  • • bumuô, buoín, ipabuô, mabuô, magbuô, maipabuô, makabuô, pabuoín: Pandiwa
Idyoma
  • buô ang loób
    ➞ Matapang o hindi basta-basta nasisindak.
  • binuô sa ísip
    ➞ Binalangkas o ipinasiya sa sarili.
  • hindî malúlulón nang buô
    ➞ Hindi magpahahamak.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.