KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bu•ód

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pahayag ng pangkalahatang pagtingin sa isang bagay na nilaláyong paikliin.
Gawan mo ng buód ang lahat ng tinalakay sa lektura.
LÁGOM, SUMÁRYO, RÉSUMÉN

2. LITERATURA Banghay ng mga pangyayari sa isang katha o akda.
Saulado ko pa rin ang buód ng El Filibusterismo.
SINÓPSIS, LÁGOM, ÁBSTRAK

Paglalapi
  • • pagbubuód: Pangngalan
  • • binuód, ibuód: Pandiwa
  • • pabuód: Pang-abay

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?