KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bi•rò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang sinasabi o ginagawa sa layuning makapagpatawa.
KATATAWANÁN, LABUTSÍNG, TÍAW, SISTÉ

2. Anumang sinasabi o ginagawa na hindi talaga bukal sa kalooban kundi para lámang pagtawanan ang kapuwa.
LAMBÁ, TUDYÓ, TUKSÓ

Paglalapi
  • • biruán, kabiruán, pagbibirô, pagbirò: Pangngalan
  • • birúin, magbiruán, magbirô, pagbibirô, pagbirò: Pandiwa
  • • mabirò, mapagbirô, palabirô, pambirò: Pang-uri
  • • pabirô: Pang-abay

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Mulang mga babaylán hanggang mga bayani ng kasalukuyang panahon, ipinagdiriwang natin ang mga ambag ng kababaihan sa ating kasaysayan at lipunan. Maligayang Buwan ng Kababaihan sa lahat!