KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bin•yág

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Seremonya ng pagbubuhos ng tubig o pagpapaligo sa isang tao bílang tanda ng pagiging kasapi ng relihiyon (lalo na sa Kristiyanismo).
BAWTÍSMO

2. Pagbibigay ng pangalan sa anuman.

3. Pagpapatulo ng dugo o pagtuli sa isang laláki.

Paglalapi
  • • binyágan, pabinyág, pambinyág: Pangngalan
  • • binyagán, magbinyág, magpabinyág, pabinyagán: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?