KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bi•gáy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Kusang-loob na paglilipat ng pagmamay-ari sa anuman papunta sa iba.
HANDÓG, KALOÓB, KONTRIBUSYÓN, ALÓK, REGÁLO

Paglalapi
  • • bigáyan, pabigáy, pagbibigáy, pagbibigáyan, pambigáy, pamimigáy: Pangngalan
  • • bigyán, ibigáy, mabigyán, magbigáy, mamigáy, mapagbigyán, mapamigyán, nabigyán, pagbigyán: Pandiwa
  • • mapagbigáy: Pang-uri
Idyoma
  • bigáy-loób
    ➞ Pagpapaunlak.
    Sumáma lang ako sa biyahe bílang pagbibigáy-loób ko sa kaniya.
  • bigáy-palà
    ➞ Pabuya (karaniwang pera) bílang pagkilála sa mabuti at mahabang paglilingkod.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.