KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bay•bá•yin

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
baybáy
Kahulugan

HEOLOHIYA Tingnan ang baybáy

Bay•bá•yin

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
baybáy
Kahulugan

LINGGUWISTIKA Sinaunang paraan ng pagsulat ng mga Pilipino na binubuo ng tatlong patinig at labing-apat na katinig.

bay•ba•yín

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Salitang-ugat
baybáy
Kahulugan

1. Sundan (ang isang landas).

2. Lakbayin (ang isang pook na tinutuklas pa lámang).

bay•ba•yín

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Salitang-ugat
baybáy
Kahulugan

Isulat o sabihin sa wastong pagkakasunod-sunod ang mga titik na bumubuo sa isang salita.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?