KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bá•ta de-bán•yo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
bata de baño
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Damit na maluwag ang tabas na karaniwang ginagamit lámang sa bahay lalo na pagkatapos maligo.

ba•tà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Táong walang sapat na gulang, partikular sa pagitan ng pagiging sanggol at adolesente.
PASLÍT

2. Tingnan ang kasintáhan

3. Tingnan ang tagasunód

Paglalapi
  • • mangagimbatà: Pandiwa
  • • pambatà: Pang-uri
Tambalan
  • • laróng-batàPangngalan

ba•tá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tingnan ang tiís

Paglalapi
  • • pagbabatá, pagbatá: Pangngalan
  • • batahín, ipabatá, magbatá: Pandiwa
  • • mapagbatá: Pang-uri

ba•tà

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Wala pa sa sapat na gulang.

Paglalapi
  • • kasimbatà: Pang-uri
Idyoma
  • bátang-batà
    ➞ Hindi malubha.
    Bátang-batà sa kaniya ang makulóng ng limang taon dahil sa ginawa niyang pagkakasala.
  • binabatà
    ➞ Táong kinakampihan sa paligsahan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?