KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•tá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tingnan ang tiís

Paglalapi
  • • pagbabatá, pagbatá: Pangngalan
  • • batahín, ipabatá, magbatá: Pandiwa
  • • mapagbatá: Pang-uri

bá•ta de-bán•yo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
bata de baño
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

Damit na maluwag ang tabas na karaniwang ginagamit lámang sa bahay, lalo na pagkatapos maligo.

ba•tà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Táong walang sapat na gulang, partikular sa pagitan ng pagiging sanggol at adolesente.
PASLÍT

2. Kolokyal na tawag sa kasintahan.

3. Tingnan ang tagasunód

ba•tà

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Wala pa sa sapat na gulang.

Paglalapi
  • • kasimbatà, pambatà: Pang-uri
Idyoma
  • bátang-batà
    ➞ Hindi malubha.
    Bátang-batà sa kaniya ang makulóng ng limang taon dahil sa ginawa niyang pagkakasala.
  • binabatà
    ➞ Táong kinakampihan sa paligsahan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?