KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bá•sa

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
baca
Pinagmulang Wika
Malay
Kahulugan

1. Pagkilála at pag-unawa sa kahulugan ng anumang nakasulat o nakalimbag na simbolo.

2. Tawag din sa pagsasagawa nitó nang pasalita.

Paglalapi
  • • mámbabasá, pagbabasá, pagbása: Pangngalan
  • • basáhan, basáhin, bumása, ipabása, mabása, magbasá, magbasá-basá, maibása, makabása, pakibása: Pandiwa
  • • mapagbasá, palabasá, pambása: Pang-uri

ba•sâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nalagyan ng anumang likido o substance na lusaw.

Paglalapi
  • • pagbabasâ, pagbasâ: Pangngalan
  • • basaín, mabasâ, magbása, mambasâ : Pandiwa
  • • basáin, mabasâ-basâ, mamasâ-masâ: Pang-uri
Idyoma
  • basâ ang papél
    ➞ Hindi na pinaniniwalaan o pinagtitiwalaan.
  • basáng-sísiw
    ➞ Mukhang kaawà-awà.
    Siya ay nagmukhang basáng-sísiw nang mabigo siya sa pag-ibig.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?