KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bá•rong-ta•gá•log

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
barò+Tagálog
Kahulugan

Katutubong damit pang-itaas ng mga laláking Pilipino, yarì sa husi, pinya, o iba pang telang maninipis, bukás ang kuwelyo sa dákong harapán hanggang kalagitnaan ng katawan, at mahaba ang manggas.
BARÓNG

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.