KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ban•sa•la•gín

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

BOTANIKA Punongkahoy (Mimusops parvifolia) na tumataas nang hanggang 15 metro, yumayabong, at naghuhugis-koronang lungtiang-itiman sa kabuoan ng pinakakatabay ng katawan; ang mga dahon ay hugis-itlog at ang mga bulaklak ay mabango at kumpol-kumpol; at hugis-itlog din ang bungang humahaba nang hanggang 3 sentimetro, lungtian at nagiging kulay-kahel, may lamáng dilaw, matamis at nakakain ngunit maaskad, maasim-asim, at naninigid sa dila.
BARSÍK, KABÍBE, PÁSAK

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.