KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•níg

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Sapin na karaniwang yarì sa nilálang bule, dahon ng pandan, bambán, atbp. para sa paglalatag sa anumang rabáw.

2. Sukat ng nakalatag at nakahanay na mga munting bagay gaya ng gamot, aspile, pera, atbp.

Idyoma
  • nása baníg
    ➞ May sakit o karamdaman.
  • natutúlog sa íisang baníg
    ➞ Kapalagayang-loob, kasama sa bahay.
    Hindi ko akalaing magagawa niya iyon sa akin sapagkat kami ay natutúlog sa íisang baníg.
  • pinaglatagán ng baníg
    ➞ Kapag may nanliligaw na nagpapakalalim ng gabi, ito ang ginagawa ng mga magulang ng babae upang ipahalata na ang mga ito ay dapat nang umalis.
  • umalís sa baníg
    ➞ Umalis sa mabuting kalagayan at tumungo sa kahirapan.
  • waláng lúluluníng baníg
    ➞ Ikinakapit ito sa mga táong hindi natatakot mamatay at makapatay.
    Hindi ako nasisiraan ng bait para pumatol sa isang táong waláng lúluluníng baníg.
  • ibálot sa baníg
    ➞ Ginagamit ito sa kaso ng pagpanaw ng táong walang-káya sa búhay at walang súkat ipambili ng kabaong.
    May kahabag-habag pa ba sa isang táong sa karukhaan ay súkat ibálot sa banig sa kaniyang pagpanaw.

bá•nig

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Samaháng pansakahan sa bukirin.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?