KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•lón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Malalim na hukay sa lupa na pinagkukunan ng tubig.
LAGUMBÁ

2. Hukay sa lupa na tapunán ng sukal at iba pang dumi.

Idyoma
  • balón ng salapî
    ➞ Sisidlang laging punô ng salapi, kayamanan.
  • waláng balón ng salapî
    ➞ Walang kayamanan.
    Ang parating paalala ng aking ama noong nag-aaral pa kami ay: “Karunungan lámang ang tanging maipapamana ko sa inyong magkapatid sapagkat waláng balón ng salapi ang inyong ama.”

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?