KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•li•tà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
berita
Pinagmulang Wika
Malay
Kahulugan

1. Makabuluhang impormasyon hinggil sa mga kamakailang pangyayari.
BABALÂ, IMPORMASYÓN

2. Ang tawag din sa pag-uulat nitó na nakabrodkast.
Nakatatakot ang nakita kong krimen sa balità.

3. Pagbibigay-alam ng sinuman tungkol sa mga bagay o pangyayaring hindi pa nababatid ng isang tao.

Paglalapi
  • • pabalità, pambalità: Pangngalan
  • • magbalità, maibalità, mamalità, mapabalità, pabalitáan: Pandiwa
Idyoma
  • balí-balità
    ➞ Balitang hindi pa tiyak ang katotohanan.
  • balítang-kutséro
    ➞ Balitang marami na ang dagdag at madalas na hindi totoo.
    Ang sinasabi niya ay pawang balítang-kutséro lámang.
  • magpadalá sa balità
    ➞ Maniwala sa anuman.
    Hindi táyo dapat magpadalá sa balità.
  • may taínga ang lupà, may pakpák ang balità
    ➞ Madalíng kumalat ang balità.
  • tákaw-balità
    ➞ Sabik sa balità; walang balitang hindi nalalaman.
    Tákaw-balità siya sa paborito niyang artista.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?