KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•lim•bíng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

BOTANIKA Punongkahoy (Averrhoa carambola) na nagtataglay ng bungang patatsulok ang limang gilid at makatas na manamis-namis o maasim-asim.

Idyoma
  • balimbíng ang mukhâ
    ➞ Táong kung sino ang kaharap ay iyon ang inaayunan.

ba•lim•bíng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Buhok na tumutubò nang makapal sa gilid ng mukha hanggang sa sentido.

ba•lim•bíng

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Tingnan ang dóblekára

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?