KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•lig•ta•rín

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Salitang-ugat
baligtád
Varyant
ba•lik•ta•rín
Kahulugan

1. Ikutin (ang anumang láwas) upang mapaibabaw ang karaniwan nitóng dákong ilalim.

2. Ipaloob ang karaniwang panlabas na rabáw (ng isang materyal).

bá•lig•tá•rin

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Salitang-ugat
baligtád
Varyant
bá•lik•tá•rin
Kahulugan

1. Nauukol sa anumang dalawa o higit pang bagay na maaaring magkapalit ng posisyon.

2. Nauukol sa kasunduang binabayaran ng ani ang salaping inutang o ng salapi ang aning inutang.

3. Tingnan ang dóblekára

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?