KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•lig•tád

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
ba•lik•tád
Kahulugan

1. Pagkapunta sa loob ng karaniwang panlabas na rabáw, gaya ng sa damit.
TALIBÁD, SALIWÂ, TALIKWÁS

2. Tingnan ang tiwarík

3. Unang tagâ ng araro sa lupang pagtatamnan.

4. Pagtalikod sa isang paniniwala.

ba•lig•tád

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Varyant
ba•lik•tád
Kahulugan

1. Nása loob ang karaniwang panlabas na rabáw (ng isang materyal).
TUMBÁLIK

2. Tingnan ang balintuwád

Paglalapi
  • • pagbaligtád: Pangngalan
  • • bumaligtád, mabaligtád, maibaligtád: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?