KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•lát

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Kapampángan
Kahulugan

Materyal na bumabalot sa anumang entidad na may laman (may búhay man o wala).
BIRTHMARK

Paglalapi
  • • magkabalát, pabalatán : Pandiwa
Idyoma
  • balát-buwáya
    ➞ Tumpok-tumpok at hiwa-hiwalay na ulap sa langit.
  • balátkayô
    ➞ Pagpapalit ng anyo upang hindi makilala; pagkukunwari.
  • balát-kayumanggí
    ➞ Katutubong balát ng Pilipino.
  • balát ng lupà
    ➞ Kaibabawan o kalaganapan ng daigdig.
  • balát-kalabáw
    ➞ Makapal ang balát; nauukol sa táong may anting-anting.
  • balát-sibúyas
    ➞ Maramdamin.
  • makapál ang balát
    ➞ Táong hindi marunong mahiyâ.
  • naghalò ang balát sa tinalúpan
    ➞ Nagkagulo, nagalit, o nagdilim ang paningin.
    Nang sumáma siya sa usapan ay naghalò ang balát sa tinalúpan.
  • tabí sa balát ang hiyâ
    ➞ Hindi tinatablan ng pagkahiya.

bá•lat

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Marka sa katawan mula pa sa pagkapanganak.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?