KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bá•kol

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Buslong sandangkal ang taas, bilóg ang bibig, at may apat na sulok ang dákong puwit.

Paglalapi
  • • bakól-bakólan, panambákol: Pangngalan
Idyoma
  • sambákol na kahihiyán
    ➞ Malaking kahihiyan.
  • sambákol na hángin
    ➞ Labis na kayabangan.
  • sambákol ang mukhâ
    ➞ Nakasimangot.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?