KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•kas•yón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
vacacion
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Pansamantalang pahinga mula sa anumang tungkulin (lalo na sa trabaho at pag-aaral) upang magliwaliw.

2. Tawag din sa araw ng pagpunta sa ibang pook para sa layuning ito.
Naging kawili-wili ang kanilang bakasyón.

Paglalapi
  • • bákasyúnan, pagbabakasyón: Pangngalan
  • • ibakasyón, magbakasyón, pagbakasyunín: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?