KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bá•hay

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Anumang estruktura na nasisilungan at sadyang niyarì upang manirahan ang mga tao o hayop.
RESIDÉNSIYÁ, TAHÁNAN, TIRÁHAN, PAMAMÁHAY

Paglalapi
  • • kabáhay, pabáhay, pagpapabáhay, pamamaháy, pamamáhay: Pangngalan
  • • magpabáhay, mamáhay : Pandiwa
  • • pambáhay: Pang-uri
Tambalan
  • • kápitbáhayPangngalan
  • ➞ Táong nakatira malápit sa tahanan ninuman.
  • • sambaháyPang-uri
  • ➞ Magkakapisan sa isang tiráhan.
  • • kasambaháyPangngalan
  • ➞ Táong naglilingkod sa isang pamilya sa pamamagitan ng mga gawaing-bahay.
  • • lípat-báhayPangngalan
  • ➞ Paglilipat ng tayúan ng bahay sa isang lugar o paglilipat ng tiráhan.
  • • sambahayánPangngalan
  • ➞ Buong pamilya o mag-anak bílang isang yunit.

bá•hay ng Di•yós

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Anumang gusali na laan para sa pagsamba ng diyos, lalo na sa Kristiyanismo (gaya ng simbahan, kapilya, templo, atbp.)

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?