KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bá•on

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Anumang bagay na dinadalá kapag patúngo sa ibang pook upang doon magamit (lalo na kung pera, pagkain, at damit).
ALÁWANS

Paglalapi
  • • baunán, pabáon: Pangngalan
  • • baúnin, ibapabáon, magbáon, magpabáon, pabaúnan: Pandiwa
  • • pambáon: Pang-uri

ba•ón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paglalagay ng anuman sa isang hukay at sakâ ay tatabunan ng lupa upang makubli.

2. Pagtusok ng anumang bagay na matulis (gaya ng pakò) sa isang materyales.

Paglalapi
  • • mabaón, maibaón, mapabaón: Pandiwa

ba•ón

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nakaturok (ang anumang bagay na matulis) sa isang materyal.

2. Lubog sa anuman.

Idyoma
  • baón sa útang
    ➞ Napakaraming útang.
    Hanggang hindi mo iniiwan ang sugal ay lagi kang nakabaón sa útang.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.