KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•ít

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kanais-nais na pakikitúngo sa kapuwa, lalo na kung nagpapakita ng pagiging magalang o matulungin.
KAGANDÁHANG-LOÓB, BÚTI

2. Tingnan ang tinô

Paglalapi
  • • kabaítan, kawaláng-baít: Pangngalan
  • • magpakabaít, mapabaít, pabaitín: Pandiwa
  • • mabaít: Pang-uri
Idyoma
  • harì ng baít
    ➞ Pinakamabait sa lahat.
  • waláng-baít
    ➞ Walang-isip; baliw; walang-muwang; walang-sentido komun.
  • hindî sa pangungúnang baít
    ➞ Pagpuna ng táong sa tingin niya'y mas makabubuti ang ibinibigay niyang solusyon o rekomendasyon; hindi sa pagpapalagay na walang halaga ang ginagawa o iniisip ng iba.
    Hindî sa pangungúnang baít, sana ay pinagbigyan mo na lámang siyang mangibang-bansa.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?