KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bú•tas

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Hungkag na bahagi sa anumang rabáw na solido.
Naghukay siya ng malaking bútas sa kanilang hardin.

2. Puwang sa anuman na napaglulusutan ng mga bagay.
Malaki ang bútas ng karayom.
SUOTÁN

3. Tingnan ang lagúsan
Ang bútas ng kuweba ay masyadong makitid.

4. Tingnan ang tágas
May bútas ang láta ng tubig.

Paglalapi
  • • pagbútas, pagkabútas, pambútas: Pangngalan
  • • binutásan, binútas, butásan, butásin, mabútas, magbútas, magpabútas, pagbutás-butásin: Pandiwa
  • • butás, butás-butás: Pang-uri
Idyoma
  • nakasílip ng bútas
    ➞ May nakitang dahilan o paliwanag.
    Si Carlos ay nakasílip ng bútas upang makaligtas sa parusa.
  • panakíp-bútas
    ➞ Anumang pampalit.
    Panakíp-bútas niya lang ang bágong girlfriend.
  • pamútas ng sílya
    ➞ Táong dumalo sa sayáwan na hindi marunong sumayaw.
  • waláng bútas
    ➞ Walang makitang kasiraan o kamalian.

bu•tás

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

May sirà na maaaring daanan ng mga bagay.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?