KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•wáng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Bundok na magubat at lubhang puro buról na mahirap akyatin.

bá•wang

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

BOTANIKA Halamang (Allium sativum) naglalaman ng butil na kasinlaki ng bayabas at liha-lihang pinatutuyo upang maging pampalasa sa mga ulam na ginigisa; ginugulay rin kung mura pa kasáma ang dahon.
ÁHO

Idyoma
  • párang báwang
    ➞ Táong laging sumasáma sa usapan o kilusan kahit hindi dapat.
    Sumabad ka na naman sa usapan, pára kang báwang.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?